^

Bansa

Phl envoy sa China pinauwi dahil sa tensiyon sa WPS

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa gitna ng planong paghahain muli ng pro­testa ng Pilipinas laban sa China, pinauwi ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang nakatalagang ambassador ng Pilipinas sa Beijing.

Ayon kay Foreign Affairs spokesman Raul Hernandez, ang pagpapauwi kay Ambassador Erlinda Basilio ay para sa konsultasyon kasunod ng pagtaas ng tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China nang madiskubre ng Department of National Defense ang pagtata­nim ng China ng may 75 concrete blocks habang naispatan din ang tatlong Chinese vessels sa pinag-aagawang teritoryo sa Panatag o Scarborough Shoal sa West Philippine Sea na inaangkin ng China.

Sinabi ni Hernandez na sinabihan si Basilio na umuwi sa Pilipinas para sa konsultasyon kasunod ng nasabing panibagong paglabag ng China at umano’y babalik din ang nasabing opisyal sa Beijing matapos ang ilang araw.

Sa kabila nito, mariing itinanggi ng Chinese Foreign Ministry nitong Miyerkules ang alegasyon ng Pilipinas na naglagay sila ng mga konkretong bloke at naghahanda na magtayo ng istraktura sa Panatag Shoal at iginiit na sa kanila ang nasabing teritoryo.

Ayon kay Chinese Foreign Ministry spokesman Hong Lei, ang Panatag shoal na pina­ngalanan nilang Huangyan islands ay sakop ng teritoryo ng China kaya ang lahat ng mga Chinese ships na matatagpuan sa lugar ay malayang makapagsasagawa ng routine patrols upang matiyak ang seguridad ng kanilang soberenya at kaayusan sa lugar.

Ang Panatag Shoal sa Bajo de Masinloc ay mata­tagpuang may 200 kilometro ang layo sa Luzon at nasa Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.

Inihahanda na ng D­FA ang paghahain ng diplomatic protest laban sa China dahil sa ginawang block-laying sa Panatag Shoal.

vuukle comment

AMBASSADOR ERLINDA BASILIO

ANG PANATAG SHOAL

AYON

BEIJING

CHINA

CHINESE FOREIGN MINISTRY

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

PANATAG SHOAL

PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with