Unang itatanong ni Miriam kay Napoles

MANILA, Philippines - Hinihintay rin ni Santiago na isalang sa pagdinig ng Blue Ribbon committee ang sinasabing mastermind ng pork barrel scam na si Janet Lim-Napoles kung saan unang itatanong nito kung ano ang tatak ng pinakamahal na bag.

Sinabi ni Santiago na kung haharap sa pagdinig ng komite si Napoles, mas makakabuting maramdaman nito na “at home” siya o kampante upang hindi tumaas ang blood pressure.

Pero mas gugustuhin umano ni Santiago na isa­ilalim sa pagtatanong ang mga whistle blowers na nagbunyag ng pork scam.

Naniniwala si Santiago na tatayo sa korte ang testimonya ng mga whistle blowers kaya may mga makakasuhang senador at congressmen.

Nagbiro rin si San­tiago na sa sandaling may makulong na sena­dor dadalaw siya at da­dalhan ang mga ito ng CD ng kanyang mga ta­lumpati.

 

Show comments