^

Bansa

Simbahan umalma sa PDAF ng local officials

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kinondena ni Arc­h­bishop­ Emeritus Oscar Cruz ang nabunyag na maging mga lokal na opis­yal ng Makati at Pasay ay mayroon ding bersyon ng pork barrel na patunay umano na maging mga bagitong pulitiko ay nala­lantad na rin sa korupsyon.

Ayon kay Cruz, ang pagbibigay ng pork barrel ay umabot na sa mga local government officials dahil na rin sa nakikita nito na maling kalakaran ng mga nasa mas mataas na pwesto. Aniya, kung may suhol sa Kongreso ay ganundin naman sa LGUs at ginagawa ito para makuha ang suporta at matiyak ang reelection.

Umapela naman si Cruz kay Pangulong Aquino na panindigan ang tuwid na daan at tuluyan nang iabolish ang pork barrel fund. Inihalimbawa ng arsobispo ang mga konsehal na sa una pa lamang sabak sa pulitika ay sinuhulan na ng pork barrel na kalaunan ay hindi umano makukuntento sa maliit na pondo kaya naman maghahangad ng mas mataas na pwesto sa Kongreso, sa Senado at sa executive post para lalong magpayaman.

Sinuportahan naman ni Cruz si Rep. Lito Atienza sa naging aksyon nito na hindi magpadala sa pakiusap ng kanyang mga konsehal na mabigyan din ng pork barrel gaya ng kalakaran sa ilang lungsod.

 

vuukle comment

ANIYA

AYON

CRUZ

EMERITUS OSCAR CRUZ

INIHALIMBAWA

KONGRESO

LITO ATIENZA

PANGULONG AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with