75 na patay sa lumubog na barko

MANILA, Philippines - Nasa 75 katao na ang kumpirmadong patay habang nasa 45 na lamang ang patuloy pang pinaghahanap ng magkasanib na pwersa ng Philippine Coast Guard (PCG), Philippine Navy at volunteer divers sa paligid ng pinaglubugan ng M/V St.Thomas Aquinas, na nabangga ng Sulpicio Express 7, noong Agosto 16 sa Lawis Ledge Talisay City, Cebu.

Sa datos ng PCG, bandang alas-11:00 ng umaga kahapon, hindi na rin nadagdagan ang 750 survivor sa naganap na trahedya.

Patuloy din ang pagsusumikap na matapalan na ang isa pa sa dalawang butas kung saan lumalabas ang langis upang pigilan ang paglala pa ng oil spill. Natapalan na ng mga technical divers na kinomisyon ng 2Go shipping company ang isang butas.

Sisimulan na rin nga­yong araw ang board of marine inquiry at pormal na pagkuha ng mga testimonya sa mga tripulante kaugnay sa paglubog ng St. Thomas Aquinas.

Kabilang sa sisiyasa­tin ang naging pahayag ng ilang tripulante na kahit may distress call sila ay hindi man lamang sumaklolo ang dumaan na barko na pag-aari umano ng Trans-Asia, nang oras na lulubog na ang barko.

 

Show comments