^

Bansa

Online chatting sinalakay

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinaiimbestigahan ng isang online chatting company sa Cabanatuan City kay PNP chief, Director General Alan Purisima ang mga nagpapakilalang miyembro ng Anti-Cybercrime Group (ACG) ng Criminal Investigation and DetectionGroup (CIDG) na inaakusahan nila nang umano’y panghu-‘hulidap.’

Sa reklamo ng One Circle Business Process Outsourcing Company, sinalakay sila ng tatlong armadong lalaki na nagpakilalang operatiba ng PNP-CIDG-ACG nitong nakaraang Biyernes at inakusahan ang mga online chatters na nagsa-cybersex kaya isa-isang silang dinampot at kinumpiska ang hindi kukulangin sa 100 units ng personal computer.

Ayon sa Human Resource manager ng One Circle na si Shane Ferrer, gustong dalhin ng mga armadong lalaki ang kanilang 70 online chatting agents dahil lumabag umano ang mga ito sa Republic Act No. 8484.

Sinasabi ng grupo na atubili rin naman ang piskalya na sampahan ng kaso ang 12 online chatting agents dahil walang makitang paglabag sa RA 8484, at walang maiharap na ebidensiya ang mga operatiba ng CIDG.

Isang alyas Marc, opisyal din ng One Circle ang kinakausap umano ng CIDG operatives na kukunin na lang nila ang mga agent maging ang 100 units ng personal computer at sila na umano ang mag-o-operate ng online chatting.

Inamin umano ng isang Florendo Holgado, President and Chief Operating Officer (COO) ng One Circle, mahihirapan na silang makapagbukas muli ng online chatting, dahil pinag-iinitan sila ng CIDG.

 

ANTI-CYBERCRIME GROUP

CABANATUAN CITY

CRIMINAL INVESTIGATION

DIRECTOR GENERAL ALAN PURISIMA

FLORENDO HOLGADO

HUMAN RESOURCE

ONE CIRCLE

ONE CIRCLE BUSINESS PROCESS OUTSOURCING COMPANY

PRESIDENT AND CHIEF OPERATING OFFICER

REPUBLIC ACT NO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with