Bgy., SK registrations hiling palawigin
MANILA, Philippines - Nakiusap ang isang mamÂbabatas sa Commission on Elections (Comelec) na palawigin pa ng isang linggo ang voters registration para sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataang (SK) elections sa Oktubre.
Ayon kay Dasmariñas City Rep. Elpidio “Pidi†Barzaga Jr. na dating chairman ng House Committee on Suffrage and Electoral reform dapat ikonsidera ang mahabang pila sa ibat ibang lugar sa bansa at upang hindi nito mahadlangan ang mga bagong botante na magpaparehistro.
Giit ng mambabatas na ngayon ay chairman na ng House Committee on Games and Amusement, bukod sa nakakatanggap siya ng mga reklamo mula sa kanyang mga distrito ay personal na niyang namonitor sa ibang lugar bukod pa ang mga naglalabasang balita na bigo ang Comelec na ma-accommodate ang lahat ng mga nagpaparehistro.
Matatandaan na sinimulan ng Comelec ang voters registration noong Hulyo 22 at nagtapos ito kahapon kayat isinusulong ni Barzaga ang isang linggong extension nito.
- Latest