MANILA, Philippines - Isang babaeng may katungkulan umano sa New People’s Army (NPA) ang nadakip ng Armed Forces of the Philippines-Eastern Mindanao Command sa isang terminal sa Barangay Zone 3, Digos City.
Kinilala ang suspek na si Maria Loyda Tuzo Magpatoc alyas “Gwenâ€, 52, residente ng Butuan City at iniulat na secretary ng Far South Mindanao Regional (FSMR) Committee.
Si Magpatoc ay kinokonsidera umanong notoryus dahil sa serye ng criminal activities nito tulad ng pagpatay, extortion at kidnapping sa lugar ng SocSarGen at parte ng Davao Del Sur, North Cotabato at Columbio, Sultan Kudarat.
Nadakip si Magpatoc sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong robbery with double homicide at damage to properties na inisyu ni Judge Zenaida Placer ng Regional Trial Court Branch 7, Bayugan, Agusan del Sur.
Sinabi ng Eastern Mindanao Command na si Magpatoc ay naÂging Front Secretary ng North Eastern Mindanao Regional Committee ng taong 2000-2006 na kinabibilangan ng ilang lugar sa Agusan.