MANILA, Philippines - Umapela ang tatlo sa halos 100 asawa ng mga dayuhan sa bansa sa pamahalaang Aquino na imbestigahan ang umano’y katiwalian sa Bureau of Immigration kung saan iligal na kinukulong ang kanilang mga asawa na nagnenegosyo sa Pilipinas.
Sa ginanap na press conference, sinabi ni Atty. Deborah Daquis na nagtataka lamang sila kung bakit ginawa umano ng BI ang pagpapakulong sa mga dayuhan ng walang sapat na kaso.
Ayon kay Daquis, hindi naibibigay ang karapatan ng bawat dayuhan sa kanyang pananatili sa bansa bunsod lamang ng isang electronic letter kung saan nakasaad umano na may kaso ang isang dayuhan.
Aniya, maaari naman umanong isailalim sa summary deportation ang isang dayuhan kung ito ay fugitive o may kaso.
Sa kaso umano ng isa sa kanyang kliyenteng si Nikolaos Spanoudis na isang Greek, sinabi ni Daquis na siyam na buwan na itong nakakulong ng walang kaso. Si Spanoudis ay may negosyong call center sa bansa at may empleyado na umaabot sa 400.
Paliwanag ni Daquis na ang mission order ay hindi isang arrest warrant na ginawa ng mga tauhan ng BI kay Spanoudis at sa iba pang mga dayuhan na nakakulong ngayon sa Camp Bicutan sa Taguig.
Nabatid pa kay Daquis na kung overstaying ang mga dayuhan maaari naman itong pagpaliwanagin o pagmultahin pero hindi maaaring ikulong kung saan walang due proÂcess.
Giit naman ni Jerlene Payot, kasintahan ni Spanoudis, ilan sa mga tauhan ng BI ang nakipagnegosasyon sa kanila at nanghiÂhingi umano ng P2 milyon na itinaas sa P4 na milÂyon hanggang sa uÂmabot sa P9 milyon.
Nagtataka lamang sila kung bakit hindi makalabas ang kanyang kasintahan samantalang wala namang kasong isinampa laban dito.