^

Bansa

Nadapa sa session hall ng Kamara Rep. Marcos isinugod sa ospital

Butch Quejada at Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isinugod sa pagamutan si Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos matapos itong madapa sa labas ng session hall sa Kamara kahapon.

Pasado ala-1:00 ng hapon ng bigla na lamang mapaluhod si Marcos habang naglalakad  ito sa  North lobby ng Batasan complex. Kagagaling lamang ng mambabatas  sa session bago maganap ang insidente.

Nabatid na masama na ang pakiramdam at nahihilo na si Marcos habang nasa loob ito ng session hall. Tila nabigla naman ang security ni Marcos at hindi kaagad natulungan ang mambabatas matapos itong madapa.

Kaagad isinugod ng ambulansya sa Philippine Heart Center si Marcos kasama si Dr. Richard Dizon, chief ng Medical service ng Kamara.

Habang isinusulat ang balitang ito ay hindi pa mabatid kung ano ang tunay na karamdaman ng mambabatas.

 

BATASAN

DR. RICHARD DIZON

HABANG

ILOCOS NORTE REP

IMELDA MARCOS

ISINUGOD

KAAGAD

KAGAGALING

KAMARA

PHILIPPINE HEART CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with