^

Bansa

Paggamit ng “F’ sa Pilipinas labag sa Constitution - UP Professors

Doris Franche Dorja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Labag sa 1987 Constitution ang panukalang paggamit ng  letrang F  o “Filipinas” sa halip na  “Pilipinas”  bilang opisyal na pangalan ng bansa.

Sa isang statement na galing sa mga professor  ng University of the Philippines (UP) na nagsasaad na ang salitang Pilipinas ay matagal nang ginagamit, itinakda sa Konstitusyon na inaprubahan ng Constitutional Commission  kaya walang legal na basehan para palitan ng salitang Filipinas.

“Legal documents, such as passports, seals, and bills, show the country’s official name as “Republika ng Pilipinas,” followed by the English translation “Republic of the Philippines.Thus, the country is referred to as “Pilipinas” in the 1987 Constitution, both in its title as well as throughout the document” sabi ng mga propesor sa UP.

Aniya, hangga’t hindi nababago ang pagtawag sa bansa bilang Republika ng Pilipinas, ito ang mananatili at kikilalaning opisyal na pangalan ng ating bayan.

Ang inilabas na pahayag ay pirmado nina UP Professors Dr. Rosario Torres-Yu, director ng Sentro ng Wikang Filipino; Dr. Teresita  Maceda, chair ng Department of Filipino and Philippine Literature; Dr. Maria Bernadette  Abrera, chair ng Department of History; Dr. Aldrin  Lee, chair ng Department of Linguistics; Dr. Vina  Paz, coordinator ng Larangan ng Wika; Dr. Ramon  Guillermo, coordinator ng Larangan ng Araling Pilipino; Dr. Pamela  Constantino, miyembro ng Commission on Higher Education Technical Committee on Filipino at Dr. Jovy  Peregrino, dating direktor ng Sentro ng Wikang Filipino.

Ayon sa mga nasabing professor, bagaman sumasang-ayon sila na ipabilang ang letrang “F” sa Filipino alphabet ay hindi naman ito sapat na batayan para palitan ang “Pilipinas” ng “Filipinas”.

 

ARALING PILIPINO

CONSTITUTIONAL COMMISSION

DEPARTMENT OF FILIPINO AND PHILIPPINE LITERATURE

DEPARTMENT OF LINGUISTICS

FILIPINAS

PILIPINAS

WIKANG FILIPINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with