^

Bansa

Singil sa tubig tataas dahil sa utang ng MWSS

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inaasahang tataas ang singil sa tubig na babayaran ng milyun-mil­yong residente ng Metro Manila dahil sa pagkabigo ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na bayaran ang malaking utang nito sa isang Chinese bank.

Ito ang naging babala ng MWSS Labour Association (MLA) kaugnay ng P5.8 bilyong utang ng MWSS sa Exim Bank of China na ang interes ay lumaki at umaabot na ngayon sa P128 milyon.

Nabatid na ang nasabing utang ay ginamit sa rehabilitasyon at pagsasaayos ng Angat Dam sa Bulacan patungo sa La Mesa Dam.

Sinabi ni MLA Vice President Nap Quiñones na simpleng kapabayaan umano ni MWSS administrator Gerardo Esquivel ang dahilan kung bakit nagkaroon ng kabuuang P128 milyon na interes ang utang ng ahensiya sa banko.

Aniya pa, ang unang interes na P60,946,114.30 ay sinisingil na ng Exim Bank of China noong Enero 21 habang ang kasunod na interes na P68,044,764.48 ay papasok naman ngayong Hul­yo 21 para sa kabuuang dagdag-utang na mahigit P128 milyon.

Matatandaan na pinuri pa ni Pangulong Aquino si Esquivel sa inagurasyon ng proyekto noong Hul­yo 2012 sa paniwalang nakatipid ng husto ang gobyerno dahil naisaayos ang sistema ng pagdadala ng tubig mula Angat patungong La Mesa may walong buwan bago ang “target completion date” nito.

Ayon naman sa MLA, may una nang isinampang 11 kaso ng katiwalian laban kay Esquivel.  Maaari umanong lingid sa kaalaman ng Pangulo na nagkaroon ng “cost overrun” ang proyekto ng higit P506 milyon dahilan upang lumobo ang gastos sa P5.8 bilyon mula sa orihinal na P5.2 bilyon.

Ipinaliwanag ni Quiñones na, bagaman una munang “papasanin” ng private concessionaires ng MWSS, ang naturang halaga, sa dakong huli ay mga water consumer sa Metro Manila at mga karatig-lugar ang magbabayad nito.

“Balido ang ganitong kaayusan pero ang mga konsyumer ng tubig ang magdurusa,” sabi pa ng MLA.

Binalewala rin umano ni Esquivel ang opinyon ni Public Works Secretary Rogelio Singson na walang anomalya sa variation order at mas mainam na bayaran ng MWSS at ng gobyerno ang utang para hindi magkaroon ng malaking interes.

Sa halip na magbayad, hinihintay pa rin ng opisyal ng MWSS ang opinion ng National Economic Development Authority habang patuloy na lumolobo ang interes ng utang ng ahensiya sa banko.

ANGAT DAM

ESQUIVEL

EXIM BANK OF CHINA

GERARDO ESQUIVEL

HUL

LA MESA

LA MESA DAM

METRO MANILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with