Kaso ng Pinay drug mule dapat magsilbing aral
MANILA, Philippines - Dapat ng matuto at magsilbing aral sa mga Filipino na nagnanais na maging drug courier kapalit ng malaÂking halaga ng salapi ang pinakahuling kaso ng Pinay na binitay sa China.
Ayon kay acting Senate President Jinggoy Estrada, ikinalungkot niya ang balita na isa na namang Pinay ang nabitay dahil sa pagbibitbit ng ilegal na droga subalit dapat umanong magsilbing babala ang kaso ng mga binibitay na Filipino sa China lalo pa’t ilang beses na itong nangyari.
Dapat na rin aniyang pagbawalang makapasok sa bansa ang mga dayuhang sindikato na nambibiktima ng ating mga kababayan.
Maging si Sen. Tito Sotto na unang nagsabi na hindi dapat tinutulungan ng gobyerno ang mga drug mule ay nalungkot sa balita na nabitay na ang hindi pinangalanang Pinay.
Pero dapat aniyang irespeto ang batas ng China kung saan bitay ang parusa laban sa mga drug courier.
Iginiit pa ni Sotto na kung isang overseas Filipino worker ang napatawan ng bitay dapat itong tulungan ng gobyerno pero kung hindi naman OFW at isang drug mule ay dapat maging hands off dito ang pamahalaan.
- Latest