FTI bagong commercial business district
MANILA, Philippines - Sa pagkakaokupa ng Ayala Land Inc. (ALI) sa Food Terminal Inc. (FTI) noong nakaraang taon, inaasahan na ang 120-hectare property ay magiging isa sa pinakamaganda at abalang commercial business districts sa Southern Metro Manila.
Sa signing ceremony na sinaksihan ni Pangulong Aquino sa Malacañang, inihayag ni ALI executives at Chairman Fernando Zobel de Ayala ang kanilang plano na paunlarin sa commercial district ang malawak na 74-hectare complex kung saan magkakaroon umano ng dining, retail at entertainment para sa mga residente at empleyado sa lugar gayundin sa mga traveler mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Sa kasalukuyan, ang complex ay may iba’t iba nang services at amenities tulad ng bangko, fastfood, food markets at Sunshine Plaza Mall.
Noong dekada 80 pumasok ang FTI sa retailing ng iba’t ibang produkto sa government subsidized prices, trading, food processing at cold storage. Ngayon, ang FTI ay nag-o-operate bilang provider ng prime lots para sa industrial, commercial at residential use. Karamihan sa industrial buildings nito ay nag-o-offer ng leasable facilities sa mga manufacturer, exporter at food producer.
Matatagpuan malapit sa major local at international airports sa bansa tulad ng Ninoy Aquino International Airport Terminal 3, South Luzon Expressway, C-5 at C-6 roads at nasa pusod mismo ng mga bayan, ang FTI ay maituturing na promising hub para sa economic activity at key pivotal convergence point ng katimugan.
- Latest