Nakumpiskang ivory tusks pasagasaan na lang sa pison kaysa sunugin - DENR
MANILA, Philippines - Inatasan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang Protected Areas and Wildlife Bureau (PAWB) na baguhin ang naunang plano na sunugin ang mga nakumpiskang puslit na mga elephant tusks o pangil ng elepante.
Sa halip ayon kay DENR Secretary Ramon Paje, pasaÂgasaan na lamang umano sa pison hanggang madurog ang mga pangil na maaring gawin sa June 21 sa Ninoy Aquino Parks and Wildlife Center sa Quezon City.
Ang nasabing plano ay maaring saksihan ng mga foreign experts at anti-ivory trade advocates bilang suporta sa malawakang plano na mabuwag ang iligal na kalakalan ng ganitong uri ng species.
Sa orihinal na plano, may 20 piraso ng ivory tusks ang susunugin sa loob ng limang minuto gamit ang gaas, habang ang malaking volume ay dudurugin gamit ang pison.
Ang paggamit ng gaas o kerosene ay isasagawa base sa rekomendasyon ng Environment Management Bureau.
Nauna nang sinabi ni Paje na ang desisyong wasakin ang mga ivory tusks na pumasok sa bansa ng iligal ay upang ipakita sa buong mundo na hindi ito pinapahintulutan ng Pilipinas.
- Latest