MANILA, Philippines - Nagbabala ang PAGASA sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa sa ilang parte ng Bicol, Visayas at Mindanao matapos maging ganap nang bagyo ang low-pressure area na namataan sa silangang bahagi ng Surigao City.
Wala pang iniisyung storm signal ang PAGASA sa bagyo na tatawaging Emong, pero dahil nasa karagatan ay posibleng maging matindi sa loob ng 24 oras hanggang 48 oras.
Si Emong ang ikalimang bagyo na pumasok sa ating bansa.
Ayon kay Weather Forecaster Fernando Cada, ganap na alas-4 kahapon ng hapon si Emong ay nasa 370 km east ng Catarman, Northern Samar taglay ang lakas na 45 kph mula sa gitna.
Hindi anya inaasahang mag-landfall ito pero palalakasin nito ang hanging habagat na magdadala ng matinÂding pag-ulan at pagkulog sa Southern Luzon, Visayas at Mindanao.
Inasahang gagalaw si Emong patungong north northwest 9 na kilometro kada oras na mabagal na paggalaw para lumabas ng bansa sa Biyernes
Sabi ng PAGASA si Emong ay inaasahang nasa 320 km Northeast of Catarman, Northern Samar sa Lunes ng hapon habang sa Martes ay 500 km Northeast of Catarman, Northern Samar at Miyerkules ng hapon 490 km sa Northeast of Tuguegarao, Cagayan.
Ang inaasahang dami ng ulang ibubuhos ay mula 5-15 mm per hour sa 300 km diaÂmeter ng bagyo.