MANILA, Philippines - Magpapatuloy ang mga pag-uulan sa malaking bahagi ng Pilipinas dahil bukod sa habagat na nagdadala ng mga pag-uulan sa Luzon at Visayas ay mayroon pang nabuong low pressure area sa silangan ng Mindanao.
Natukoy ang sentro ng LPA sa layong 345 kilometro silangan ng Davao City na nakapaloob ito sa intertropical convergence zone (ITCZ) o pagsasalubong ng hangin mula sa iba’t ibang direksiyon.
Bunga nito, patuloy na binabalaan ng PAGASA ang mga residente ng Caraga, Davao at Soccsksargen sa mga biglaang pag-ulan na maaaring humantong sa pagbaha at pagguho ng lupa.
May mga pag-uulan din sa Ilocos Region, Visayas, maging sa Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, MinÂdoro at Palawan dahil sa epekto ng habagat.