^

Bansa

LPA nabuo sa Mindanao

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Magpapatuloy ang mga pag-uulan sa malaking bahagi ng Pilipinas dahil bukod sa habagat na nagdadala ng mga pag-uulan sa Luzon at Visayas ay mayroon pang nabuong low pressure area sa silangan ng Mindanao.

Natukoy ang sentro ng LPA sa layong 345 kilometro silangan ng Davao City na nakapaloob ito sa intertropical convergence zone (ITCZ) o pagsasalubong ng hangin mula sa iba’t ibang direksiyon.

Bunga nito, patuloy na binabalaan ng PAGASA ang mga residente ng Caraga, Davao at Soccsksargen sa mga biglaang pag-ulan na maaaring humantong sa pagbaha at pagguho ng lupa.

May mga pag-uulan din sa Ilocos Region, Visayas, maging sa Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, Min­doro at Palawan dahil sa epekto ng habagat.

BATANGAS

BUNGA

CARAGA

CAVITE

DAVAO

DAVAO CITY

ILOCOS REGION

LUZON

MAGPAPATULOY

VISAYAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with