^

Bansa

Lumang resibo, puwede pang gamitin hanggang Agosto 30 – BIR

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inanunsiyo kahapon ng Bureau of Internal Re­venue (BIR) na puwede pang gamitin ng mga negosyante ang mga lumang resibo hanggang Agosto 30 para bigyan ng sapat na panahon ang mga ito at mapaghandaan ng husto ang  makapagpa-imprenta ng mga  bagong resibo.

Ang pagpapalit ng resibo ng BIR ay minabuting maipatupad ng ahensiya  upang maibsan ang paggamit ng ilang tiwaling negosyante sa mga resibo na kadalasan ay napepeke umano ng mga ito na nagreresulta ng pagbaba ng kita ng gobyerno sa pagbubuwis.

Pinayuhan ni BIR Chief Kim Henares ang mga negosyante na may 2,000 accredited printers ang ahensiya nationwide para puntahan nila para sa pagpapagawa ng bagong resibo.

Unang itinakda ng BIR na magamit ang lumang resibo sa June 30 pero dahil sa kakulangan ng sapat napanahon ng mga negosyante na mapaghandaan ito ay minabuting itakda na lamang ang deadline sa August 30 ng taong ito kaugnay ng ipinatutupad na Revenue Regulations no.18-2012.

AGOSTO

BUREAU OF INTERNAL RE

CHIEF KIM HENARES

INANUNSIYO

PINAYUHAN

RESIBO

REVENUE REGULATIONS

UNANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with