^

Bansa

SONA ni PNoy nilalatag na

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kasabay ng pagtatapos ng session ng 15th Congress, sinimulan naman ng Kamara ang paghahanda para sa ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ni Pa­ngulong Noynoy Aquino sa Hulyo 22, 2013.

Inilatag ng Committee on Media sa Kamara sa pangunguna ng Public Relations and Information Bureau (PRIB) ang gagawing coverage sa SONA.

Kabilang sa dumalo sa pulong ang mga mamamahayag, crew at ca­meramen na magko-cover ng SONA.

Ayon kay PRIB Exe­cutive Director Rica dela Cuesta, isang buwan ang paghahanda upang mailatag ang mga rules at guidelines sa gagawing coverage at hindi na maulit ang mga pagkakamali at kalituhan sa nakalipas na Sona coverage.

Samantala, magsisimula naman ang pagsusumite para sa media accreditation sa ikalawang linggo ng Hunyo at matatapos hanggang sa ikalawang linggo ng Hul­yo.

Bukod sa mga kagawad ng media ay kasama din ang Presidential Security Group, House Le­gislative Security Group, RTVM at Senate PRIB sa dumalo sa naturang pagpupulong.

vuukle comment

AYON

DIRECTOR RICA

HOUSE LE

KAMARA

NOYNOY AQUINO

PRESIDENTIAL SECURITY GROUP

PUBLIC RELATIONS AND INFORMATION BUREAU

SECURITY GROUP

STATE OF THE NATION ADDRESS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with