15th Congress pormal na nagtapos
MANILA, Philippines - Pormal na nagtapos ang 15th Congress matapos na ideklara ni House Speaker Feliciano Belmonte ang sine die adjournment kagabi.
Eksaktong alas-7:28 ng gabi ng i-adopt ng lideÂrato ng Kamara ang House Resolution 24 na nagdeÂdeklara na tapos na ang sesyon sa Mababang KapuÂlungan ng Kongreso.
Bago ang adjournment ilang mahahalagang panukalang batas ang niratipikahan kabilang na dito ang re-organization ng Philippine Statistical System at pagpapalawak sa science and technology scholarship.
Nagbigay naman ng kanilang farewell sina House Minority leader Danilo Suarez na nasa ikatlo at huling termino na ipinagmalaki din ang kanyang maging accomplishment sa Kongreso sa loob ng siyam na taon.
Sa pamamagitan naman ng House resolution 3043 binigyan ng parangal si Speaker Belmonte dahil sa naging magandang pamumuno nito sa Kamara.
Muli namang magbabalik ang sesyon sa Kamara sa Hulyo 22 kasabay ng ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Aquino.
- Latest