MANILA, Philippines - Ikinagulat ni House of Representatives Speaker Feliciano Belmonte Jr. ang pag-endorso sa kanya ni Pangulong Benigno C. Aquino para maluklok muli sa kanyang pwesto.
Ayon sa pinakamataas na lider ng Kamara, ikinagulat na lamang niya ang pag-endorso ng Pangulo dahil wala anumang senyales na ibinigay ang Punong EheÂkutibo habang magkatabi sila sa luncheon meeting sa Malacañang noong Lunes.
Pinuri lamang ng PaÂngulo ang liderato ni Belmonte sa harap ng mahigit sa 90 kongresista at sa iba pang miyembro ng Liberal Party (LP) bago ianunsiyo ng Pangulo na nais niyang manatiling House Speaker si Belmonte sa 16th Congress.
Samantala, malaki naman ang pag-asa ng mga coalition party ng administrasyon na magkaroon ng magandang pwesto sa Mababang kapulungan ng Kongreso.
Sa nakikita umano ni outgoing House Deputy speaker Raul Daza, hindi malayong makuha ng ibang partido bukod sa LP ang matataas na posisyon tulad ng deputy speakers.
Inaasahan din na maÂbibigyan ng Committee chairmanship ang mga kasapi ng majority coalition tulad ng Nationalist Peoples Coalition (NPC), National Unity Party (NUP) at Nacionalista Party.
Ito ay dahil sa mababakante ang lahat ng anim na puwesto ng Deputy speaker dahil ang mga kasalukuyang nakaupo ay matatapos na ang termino o hindi nanalo sa katatapos lang na eleksyon.
Kabilang naman sa mga ga-graduate sina DeÂputy Speaker Erin Tanada, Arnulfo FuenÂtebella at Jesus Crispin Remulla habang talo naman sina Deputy speakers. Ma. isabelle Climaco, Raul Daza at Pablo Garcia.