GOCC’s nagsumite ng P28-B dividend
MANILA, Philippines - Isinumite ng 38 GoÂvernment Owned and Controlled Corporations (GOCC’s) kay Pangulong Benigno Aquino III ang P28 bilyong dividend nito sa isang simpleng seÂremonya sa Malacañang kahapon.
Ang pinakamataas na nagsumite ng kanilang dividend ay ang Land Bank of the Philippines (LBP) na nagkakahalaga ng P6.24 bilyon.
Ang iba pang GOCC’s na miyembro ng billionaire’s club dahil sa isinumite nitong dividends ay ang Philippine Reclamation Authority (PRA) P1 bilyon, Philippine Ports Authority P1.03 bilyon, Manila International Airport Authority (MIAA) P1.4 bilyon, Power Sector Assets and Liabilities Management Corporation (PSALM) P1B, Bases Conversion Development Authority (BCDA) P2.3 bilyon, Development Bank of the Philippines (DBP) P3.16 bilyon.
Sa ilalim ng Republic Act 656 ay inaatasan ang lahat ng GOCC’s na mag-remit ng kanilang dividend sa National Treasury.
Ayon kay Pangulo, langit at lupa talaga ang naging kaibahan ng ‘tuwid na daan’ sa baluktot na kalakaran ng nakaraang administrasyon.
“Sa loob lamang ng 3 taon, nakapaghatid na ang mga GOCC ng kabuuang mahigit P77 bilyon kumpara sa 9 at kalahating taon ng kanilang panunungkulan kung saan ay nasa P96 bilyon lamang ang kanilang remittance,†wika pa ng Pangulo sa kanyang mensahe sa 2013 GOCC Dividends Day.
Pinuri din ng PanguÂlo ang mga GOCC’s sa mataas na remittance nito particular ang Philippine Reclamation Authority (PRA) na sa kasaysayan ay ngayon pa lamang umabot sa P2 bilyon ang remittance nito.
- Latest