NDRRMC naghahanda na sa tag-ulan
MANILA, Philippines - Naghahanda na sa nalalapit na panahon ng tag-ulan ang National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) kaugnay ng posibleng panganib na idulot ng landslide at mga pagbaha sa bansa.
Kahapon pormal na itinurn-over ni NDRRMC Executive Director Eduardo del Rosario ang P20 milyong halaga ng 26 Rigid Hull Inflatable Boats (RHIBs) o rescue boats sa 19 opisyal ng Local Government Units (LGUs) para magamit sa search and rescue operations sa kanilang mga hurisdiksyon.
Sinabi ni del Rosario na ang 26 RHIBs ay ipinaÂmahagi sa dalawang lalawigan, 17 munisipalidad at maging sa military at iba pang rescue units ng pamahalaan.
Kabilang naman sa nabiyayaan ng naturang mga rescue boats ang Eastern Samar, La Union at 17 pang munisipalidad. Tatlong RHIBs ang napunta sa Philippine Army rescue team, dalawa sa Philippine Air Force at dalawa pa sa National Emergency ResÂponse Teams.
Ang 17 munisipalidad ay kinabibilangan naman ng Delfin Albano, Isabela; Enrile, Cagayan; Calumpit, Bulacan; Rodriguez, Rizal; Victoria, Oriental MinÂdoro; Tinambac, Camarines Sur; Libon, Albay; Nabua and Bato, Camarines Sur; Maribojoc, Bohol; Tudela, Misamis Occidental; Kapatagan, Lanao del Norte; Lambayong, Sultan Kudarat; Dolores and Bucay, Abra; Jabonga at Kitcharao sa Agusan del Norte.
Ayon kay del Rosario, target ng pamahalaan ang zero casualty sa panahon ng kalamidad.
- Latest