Ex-BFP officials kulong sa P6M spare parts ng sasakyan

MANILA, Philippines - Hinatulan ng anim na taong pagkabilanggo ng Sandiganbayan ang anim na dating opisyal ng Bureau of Fire Protection (BFP) at isa pa dahil sa iregularidad sa pagbili ng piyesa ng mga sasakyan na nagkakahalaga ng P6 milyon noong 1992.

Sa 67-pahinang desisyon ng Sandiganbayan, napatunayan na sina Director Mario Tanchangco, F/Sr. Supt. Aristeo Argosino, F/Chief Hilario Cachero, F/Sr. Supt. Leonardo Sabellina, Jr., F/Supt. Romeo Camacho, F/Sr.Insp. Veronica Cataluna, SPO1 Emmanuel Macabuhay at Analyn Cuesta-Rubio ay lumabag sa Sec. 3 Republic Act No. 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act) at pinatawan ng anim na taon at 1 buwan at 10 taong pagkakabilanggo at hindi na rin maaaring pumasok sa gobyerno.

Batay sa impormasyon sinampahan ng kaso ng respondents ang mga naturang opisyal dahil sa paglalabas ng halagang P6,504,802 na pambili ng mga piyesa at ibina­yad sa Rowa Enterprises at Lyn Cues Enterprises subalit walang mga piyesa ang naideliver.

Sinabi sa ulat na na­bayaran ng gobyerno ang mga naturang piyesa ng sasakyan subalit hindi naman naideliver dahilan para sampahan ng kaso ang mga naturang akusado.

 

Show comments