^

Bansa

Liberal Party mangunguna sa Kamara

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patuloy pa rin ma­mamayagpag sa Kamara ang malaking bilang na miyembro ng Liberal Party (LP) na pinalad na manalo sa nakalipas na halalan.

Sinabi ni Majority Leader at Mandaluyong Rep. Neptali Gonzales II, karamihan umano sa mga tumakbong re-electionists at baguhang kongresista ay miyembro ng LP.

Tiwala din ang mam­babatas na mananatili sa kaniyang pwesto si House Speaker Feliciano Belmonte Jr. bagama’t malaki ang posibilidad na tapatan ito ng presidente ng Lakas-CMD na si Leyte Rep. Martin Romualdez.

Si Romualdez ay siyang napipisil ni out-going House Minority Leader Danilo Suarez na ipapalit sa kaniyang puwesto.

Aminado naman si Gonzales na meron ding mga distrito kung saan natalo ang mga LP members subalit lamang pa rin umano ang nanalo sa pagka-kongresista na kasapi ng LP gaya na lamang ni Aga Muhlach ng 4th district ng Camarines Sur.

Ngayong 16th Congress ay aabot umano  sa 110 na kongresista ang kasapi ng LP.

AGA MUHLACH

CAMARINES SUR

HOUSE MINORITY LEADER DANILO SUAREZ

HOUSE SPEAKER FELICIANO BELMONTE JR.

LEYTE REP

LIBERAL PARTY

MAJORITY LEADER

MANDALUYONG REP

MARTIN ROMUALDEZ

NEPTALI GONZALES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with