^

Bansa

RJ lumamang

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tiyak na ang panalo ng PNoy Yellow Power sa Caloocan City, partikular na sa mayoralty race, matapos lumabas ang pinakahu­ling survey ng Pulse Asia na nagpapakita ng kalamangan ng mga kandidato mula sa Liberal Party kontra sa mahigpit nilang katunggaling partido na United Nationalist Alliance (UNA).

Ayon sa mapagkakatiwalaang source, lumitaw sa huling resulta ng survey ng Pulse Asia na isinagawa noong Mayo 1-2 ang pagkalamang ni LP mayoraly candidate RJ Echiverri laban sa kalaban na si Rep. Oca Malapitan ng UNA. Nakakuha si RJ ng 47 porsyento laban sa 45 porsyento ni Malapitan.

Isinagawa ang face-to-face interview sa mga respondents mula sa una at ikalawang distrito ng siyudad kung saan lumitaw na ang ang nakararaming botante sa 102 mula sa 188 barangay sa Caloocan ang pabor na ang batang Echiverri ang susunod nilang maging alkalde ng lungsod.

Ang 2 porsyentong lamang ni RJ laban kay Malapitan ay inaasahang lalo pang magpapalawak sa agwat ng distansya ng kanilang laban dahil kumakatawan ito sa mahigit na 11,000 boto.

Naniniwala ang nakararaming residente ng Caloocan na mas magiging mahusay na lider si RJ dahil sa kanyang edukasyon at karanasan sa pulitika, dagdag pa ang mga natutuhan niya sa pamumuno ng kanyang amang si Mayor Enrico Echiverri.

Samantala, nakatitiyak na rin ng tagumpay sa pagiging kongresista ng Unang Distrito ng Caloocan ang nakatatandang Echiverri matapos itong makakopo ng 56 porsyento laban sa 36 porsyento na nakuha ni Coun. Along Malapitan.

 

ALONG MALAPITAN

CALOOCAN

CALOOCAN CITY

ECHIVERRI

LIBERAL PARTY

MALAPITAN

MAYOR ENRICO ECHIVERRI

OCA MALAPITAN

PULSE ASIA

UNANG DISTRITO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with