Hindi binigyan ng security escort si Kris…Tacloban PNP Chief, nasa ‘hot water’

Tacloban City, Philippines --Nasa hot water ngayon ang hepe ng pulisya ng lungsod na ito matapos ‘bastusin’ nito si presidential sister at TV host Kris Aquino nang dumalaw ito noong Biyernes upang iendorso ang mayoral candidacy ni An-Waray Rep. Bem Noel.

Tumanggi si Sr. Supt. Romulo Cleve Taboso na bigyan ng security escorts ang presidential sister at magpakalat ng pulisya sa daraanan ni Kris noong Biyernes matapos malaman na ang iendorso nito ay si Bem Noel na kalaban ni Mayor Alfred Romualdez.

Sinasabing nakipag-coordinate ang PSG kay Supt. Taboso pero tamangging magbigay ng assistance kay Kris dahil ang kalaban daw ni Romualdez ang iendorso nito.

Nagsumbong kay Kris ang PSG nito sa pagtanggi ng hepe sa kanilang request at isinumbong naman ito ni Kris sa kanyang kuya na si Pangulong Benigno Aquino lll.

Bukas (Miyerkules) ay mismong si Pangulong Aquino naman kasama ang Team PNoy ang mag-eendorso sa kandidatura ni Bem Noel.

Show comments