Bogus survey pinalagan ni Suarez

MANILA, Philippines - Hihilingin ni Quezon Governor David  “Jayjay” Suarez sa Commission on Elections at National Bureau of Investigation na imbestigahan ang nag­ lilipanang mga umano’y pekeng survey na maa­aring kumondisyon sa isip ng mga botante sa darating na halalan.

Isinagawa ni Suarez ang hakbang kasabay ng pagbatikos sa lumabas na pekeng survey na nagsasaad na luma­lamang sa kanya si Irvin Alcala sa gubernatorial election sa Quezon.

Peke at wala anyang basihan ang resulta ng poll survey ng Data Advisers Inc. na non-existent naman at peke.

Inilitaw sa mga pahayagan na 54.7 % ng mga botante ang susuporta kay Alcala, habang 45.7 % ang kay Suarez.

“Sa figures pa lamang, lumalabas na malaking ka­lokohan at survey-sur­veyan lamang ang nabasa sa mga piling pahayagan. Halatang-halata despe­rado ang kampo ni Alcala sapagkat kung susumahin ang 54.7 at 45.7, 100.4 percent ang magiging kabuuan,” natatawang pahayag ni Suarez.

Ngunit biglang ku­mambyo si Suarez at idi­neklara na seryoso at ma­ laki ang implikasyon ng naturang survey sa “aming minimithing malinis na halalan at pamamahala.”

Isinaad sa survey na sumaklaw sa 1,200 mamamayan sa Quezon mula Abrl 29 hanggang Mayo 1 na bukod kay Alcala, mananalo rin ang kanyang running mate at tatlong ka-grupong kandidato sa pagka-kongresista. Si dating Rep. Aleta Suarez lamang ang ipinapalagay na mananalo.

Ipinaliwanag ng go­bernador na nanghiram ng kredibilidad ang nagpalabas ng pekeng survey nang isinama sa listahan ng mga panalo ang pa­ngalan ng kanyang ina.

Sa katotohan, mara­ming organisasyon sa simbahan, mga sama­ hang sibiko at kaba­taan ang nagsagawa ng kani-kanilang survey na nagsasaad ng malaking lamang ni Suarez laban kay Alcala.   

Sinabi ni Suarez na ipina-background check niya ang Data Advisers Inc. na taliwas sa ibang pribadong ahensya ay ngayon lamang lumutang.

 

Show comments