Koko no. 2 sa mock polls

MANILA, Philippines - Nakuha ni reelectionist Senator Aquilino “Koko” Pimentel ang number 2 sa mock polls para sa mga senador na isinagawa ng Movement for Good Governance (MGG) na ginanap sa Ateneo Professional Schools sa Rockwell Makati kamakailan.

Naguna sa mock polls si dating senador Ramon Magsaysay, Jr., puma­ngalawa si Pimentel at pa­ngatlo si Riza Hontiveros. Silang tatlo ay pawang kasapi sa Team PNoy.

Ang mga katangian at kapintasan ng mga kandidatong senador ay binusi­sing mabuti ng panel of experts batay sa scoreboard na inihanda ng MGG.

Ang mga kandidato ay binigyan ng grado kung sila ay pumasa o bumagsak batay sa sumusunod na criteria - competence, track record, effectiveness, integrity, stewardship at reform.

Show comments