MANILA, Philippines - Dalawang linggo bago ang eleksiyon, nakahabol si Sen. Chiz Escudero upang pantayan sa unang puwesto ang kapwa reeleksiyonistang si Sen. Loren Legarda, habang naungusan naman ng baguhang si Grace Poe si Sen. Alan Peter Cayetano.
Sa pinakabagong national survey ng Pulse Asia na isinagawa noong Abril 20-22, 2013, 48.3 porsiyento ng mga respondent ang nagsabing iboboto nila si Escudero, na nag-angat dito sa 1-2 spot kasama si Legarda na nakapagtala ng 51.5 porsiyento.
Sa resulta ng survey, patuloy na binawasan ni Escudero ang 4-puntong kalamangan ni Legarda sa survey ng Pulse noong Marso 6-20, sa kabila ng ‘demolition job’ sa kanyang personal na buhay.
“Bindikasyon ito para sa akin, sa aking mga mahal sa buhay, at sa lahat ng patuloy na naniwala, sa kabila ng mga ipinukol nila sa akin,†sabi ni Escudero.
Kinatigan naman ni Poe ang sentimyento at pinasaÂlamatan rin si Escudero sa pag-angat ng kanyang mga numero sa survey.
Ang 42.4 porsiyento ni Poe sa survey ay naglagay sa kanya sa puwestong 3-4, lamang sa 40.4 porsiyento ni Cayetano na dumausdos sa puwestong 3.7 mula sa 2-3 nang lumipas na buwan.
Ang pag-angat ni Escudero sa survey sa kabila ng mga isyu sa kanyang personal na buhay ay ikinatuwa ng kanyang mga kaibigan at kapwa kandidato sa Team PNoy na sina Antonio ‘Sonny’ Trillanes IV, Edgardo ‘Sonny’ Angara Jr., at Benigno ‘Bam’ Aquino IV.
Maaalalang sinabi ni Heart Evangelista, kasintahan ni Escudero, na pakiramdam niya’y responsable siya sa pagdausdos ng senador sa isa pang survey ng SWS, bagama’t agaran ang pagtatanggol ni Escudero sa kasintahan.
“Malugod kong tatanggapin ang lahat, anuman ang maging kapalit ng pagmamahal kay Heart,†ani Escudero.