^

Bansa

2 pasahero umeksena sa NAIA

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dapat malaman at isa­isip ng mga biyaherong nangingibang-bansa na kailangan nilang magbayad ng kaukulang buwis sa mamahaling mga kagamitang dala nila pag­balik nila sa Pilipinas.

Kahapon ng umaga, gumawa ng eksena sa Ninoy Aquino Interna­tional Airport ang dala­wang magkaibigang nagmula sa Singapore at Taipei.

Nagtaas sila ng boses nang pagbayarin na sila ng customs examiner ng buwis para sa bagong mamahaling bag ng Louis Vuitton na nabili nila sa ibang bansa.

Kinilala ni Customs exa­miner Richard Baloloy ang dalawa na sina Venus Sy Cruz at Lina Tiu.

Itinanggi nang dalawa na meron silang dapat ideklara nang tanungin sila hinggil dito pero nakita ni Baloloy sa pagsusuri ang mamahalin nilang kagamitan sa loob ng kanilang maleta na kailangang patawan ng buwis. Si Cruz ay may bitbit na bag ng Louis Vuitton sa kanyang bag nang oras na iyon.

“Bakit ako magbaba­yad ng tax? Kaya hindi umaasenso ang Pilipinas dahil sa ginagawa ninyo?” bulalas ni Tiu nang ipasa siya ni Baloloy kina Customs Supervisors Fanny Tolentino and Tom Maranan para tayahin ang babayaran nilang buwis.

Nagbayad naman si Cruz kinalaunan ng P11,449 na buwis para sa bag, Pero si Tui, makaraang magbayad ay pumasok sa counter ng superbisor at itinapon sa customs official ang resibo at mabilis na umalis sa palirapan.

Nasangkot din sa ganitong insidente ang aktres na si Angelica Panganiban noong Dis­yembre 2011 nang pagbayarin siya ng buwis para sa kanyang Hermes na bag.

 

ANGELICA PANGANIBAN

BALOLOY

CUSTOMS SUPERVISORS FANNY TOLENTINO AND TOM MARANAN

LINA TIU

LOUIS VUITTON

NINOY AQUINO INTERNA

PILIPINAS

RICHARD BALOLOY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with