^

Bansa

Manggagawa walang aasahang wage increase - DOLE

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tahasang sinabi  ng Deparment of Labor and  Employment  (DOLE) na walang  aasahang wage increase ang mga manggagawa sa National Capital Region (NCR) ngayong Mayo 1, 2013.

Ayon kay Labor and Employment Secretary Rosalinda D. Baldoz hindi pa maaaring magpalabas ng panibagong wage order ang kagawaran dahil wala pang isang taon mula nang magpatupad ng umento sa sahod.

Sinabi ni Baldoz na sa June 2013 pa mag-iisang taon ang pinakahuling  wage order sa NCR kaya  anumang pagtataas ay itinuturing na labag sa  batas.

Nabatid naman kay Atty. Allan Macaraya ng  National Wages and  Productivity Board na mayroon ng resolusyon ang board kaugnay sa hinihinging P85 taas sa sahod ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP).

Gayunman, tumanggi si Macaraya na idetalye ang nilalaman ng resolusyon na aniya ay isasapubliko ng  board, isang araw  makalipas ang Labor Day.

Nangangamba ang opisyal na magdulot umano ito ng hindi magandang reaksiyon mula sa mga stakeholder.

 

vuukle comment

ALLAN MACARAYA

BALDOZ

DEPARMENT OF LABOR

LABOR AND EMPLOYMENT SECRETARY ROSALINDA D

LABOR DAY

NATIONAL CAPITAL REGION

NATIONAL WAGES

PRODUCTIVITY BOARD

TRADE UNION CONGRESS OF THE PHILIPPINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with