OWWA kinalampag sa pekeng resibo
MANILA, Philippines - Kinalampag kahapon ng Malacañang ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na gumawa ng paraan para matigil na ang pagkalat ng mga pekeng resibo kung saan nabibiktima ang maraming overseas Filipino workers.
Ayon kay deputy presidential spokesperson Abigail Valte, kailangang magkaroon ng briefer o note ang OWWA kung papaano malalaman na peke ang resibo.
Pinayuhan din ni Valte ang mga nabibiktima na magsumbong upang matukoy kung sino ang nasa likod ng sinasabing pekeng ‘official receipts’.
Lubhang nakakaawa umano ang mga OFWs na nagbabayad ng tama pero nabibiktima ng sindikato.
Idinagdag ni Valte na hihilingin rin nila sa OWWA na magkaroon ng information campaign laban sa pagkalat ng pekeng resibo.
Mas makakabuti aniyang magbayad na lamang ang mga OFWs sa mismong opisina para matiyak na hindi magiging biktima.
- Latest