Pinay nag-suicide sa Phl Embassy
MANILA, Philippines - Isang Pilipina ang nagpakamatay sa loob ng Philipine Embassy sa Bahrain noong Lunes ng nakaraang linggo.
Sa ulat ng isang lokal na pahayagang Daily Tribune sa Bahrain, kinilala ni Migrante-Middle East Regional Coordinator John Leonard Monterona ang biktima na si Kathleen Ann Viray-Ilagan, 31, mula sa Davao.
Naunang iniulat ng Daily Tribune na, bago nagpatiwakal ang Pilipina,napapansin ng ibang Pilipino sa shelter na parang “depressed†si Ilagan dahil sa ilang personal na problema na nagtulak sa kanya para kitlin ang sariling buhay. Nilapitan ng pamilya ni Ilagan ang grupong Migrante sa pamamagitan ng isang email sa isang dating staff ng Centre for Overseas Workers para humingi ng tulong na masiyasat ang kanyang pagkamatay.
Ayon sa ulat, umalis ng Pilipinas si Iligan noong Hulyo 2012 para magtungo at magtrabaho bilang isang pastry chef sa isang lokal na kumpanyang nakabase sa Bahrain. Ipinadala siya roon ng Manila-based agency na HRD Employment Consultant and MultiServices Inc. batay sa mga deployment documents at sa pahayag ng kanyang pamilya. Isang single mother si Ilagan na merong tatlong anak. Ito ang pangalawang pagkakaÂtaong nagtrabaho siya sa ibang bansa.
Ikinabahala rin ng kanyang pamilya ang paunang police report na nagsasabing nagbigti siya gamit ang isang cord na nakatali sa isang door knob na hindi kapani-paniwala.
- Latest