MANILA, Philippines - Pinalilikas na ng North Korea ang libu-libong foÂreign nationals kabilang na ang may mahigit 42,000 Pinoy sa South Korea maÂtapos na magbanta ng paÂnibagong “thermonuclear†war kahapon.
Ayon sa advisory, binalaan ng Nokor ang lahat ng mga dayuhan na maghanda na sa kanilang evacuation sa South Korea dahil sa nakaambang maÂtinding giyera.
Ipinaliwanag ng Nokor na ayaw umano nilang madamay at masaktan ang mga dayuhan sa gitna ng magiging bakbakan nila ng South Korea.
“We do not wish harm on foreigners in South Korea should there a war,†ayon sa tagapagsalita ng Korea Asia-Pacific Peace Committee na nailathala sa KCNA news agency.
Sinabi rin ng Nokor na ang lahat umano ng international organizations, mga negosyo at turista ay kailangang gumawa na ng kaukulang mga hakbang upang maghanda at ilikas ang kanilang mga sarili.
Ngayong araw, Abril 10 itinakda ang ultimatum ng Nokor sa mga foreign embassies sa Pyongyang na umalis kasunod ng kanilang ipinalabas na evacuation advisory noong nakalipas na linggo.
Gayunman, mariing tumanggi ang mga foreign diplomats at foreign embassy staffs mula sa mahigit 20 foreign embassies na nasa Nokor na umalis sa kabila ng nasabing evacuation warning ng Pyongyang.
Kaugnay nito, sinabi ng Department of Foreign Affairs na handa ang Embahada ng Pilipinas sa South Korea na ipatupad ang contingency plans ng gobyerno kasunod ng naturang abiso ng Nokor.
Base sa ulat, ang Russian Embassy na nasa South Korea ay nagpahayag na kahapon na wala silang planong mag-evacuate sa kabila ng warning ng Pyongyang.
Dahil sa mga banta ng Nokor, nakahanda na rin ang Japan sa nasabing nuclear war matapos na mag-deploy ng Patriot missile batteries upang protektahan ang kanilang 36 milyong mamamayan na nasa Tokyo.
Nakaposisyon na ang dalawang Patriot Advanced Capability-3 (PAC)-3) surface-to-air missile launchers sa kanilang kapital at nagdagdag pa ng battery units sa Okinawa at ibang Pacific islands na may kakayahang tumira at mangwasak ng missile na pakakawalan ng Nokor patungong teritoryo ng Japan.
Ang mga Nokor employees sa Kaesong joint industrial complex ng Sokor at Nokor na nasa border ng Nokor ay hindi na rin pinapapasok kahapon dahil na rin sa banta ng Nokor missile launch at kasunod ng ibinigay na ultimatum na mag-pullout ng hanggang Abril 10 sa nasabing complex.