MANILA, Philippines - Pinalilikas na ng North Korea ang mga foreign diplomats at embassy staffs dahil sa nakaambang all-out nuclear war sa Korean Peninsula.
Sa evacuation advisory ng North Korea, hindi umano nila magaÂgarantiyahan ang seguridad ng mga ito sakaling sumiklab ang giyera sa pagitan ng Pyongyang at South Korea na susuportahan ng Estados Unidos.
Dahil dito, agarang nagpulong ang mga foÂreign envoy sa Pyongyang na lalong nagpataas ng tensyon sa nasabing rehiyon.
Iginiit naman ng ilang foreign embassies sa Nokor na wala silang planong umalis dahil sa walang kahandaan at agarang plano ng paglilikas.
Naniniwala naman ang South Korea at ilang mga bansa na may embahada sa Pyongyang na ang nasabing advisory ay bahagi lamang ng propaganda war ng Nokor dahil na rin sa banta ng US na kokontrahin ang anumang pag-atake ng Nokor.
Kahapon ay nagkarga na ang Nokor ng missile sa kanilang mobile launchers na posibleng ipatama sa South Korea at sa tinatarget na military bases ng US sa Guam.
Base sa report, nakatago sa isang underground facilities na malapit sa karagatan ng Nokor ang missile launcher matapos na kargahan ng dalawang intermediate-range at hinihinalang pakaÂkawalan anumang oras nang walang kaukulang warning o babala.
Ang nasabing missile ay inulat na “untested†Musudan missiles na pinaniniwalaang may kapabilidad na makaabot ng may 3,000 kilometro (1,860 milya) na maaari pang makarating ng hanggang 4,000 kilometro kung gagamitan ng light payload.
Maaari umanong maÂkaabot ang nasabing untested Musudan missiles sa South Korea, Japan at US military bases sa Guam.
Nagbabala naman ang US na ang bantang pagpapakawala ng nasabing missiles ng Nokor ay isang “provocative act†kaya pinapayuhan ang Pyongyang na sumunod sa international norms at tupdin ang commitment nito.
Samantala, kinansela ni Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario ang kanyang nakatakdang paglipad patungong South Korea kagabi.
Ayon kay DFA spokesman Raul Hernandez, hindi natuloy ang biyahe ni del Rosario sa Seoul dahil nangangalap pa umano ng karagdagang impormasyon sa sitwasyon sa nasabing Korean Peninsula.
Sinabi ni Hernandez na nananatiling naka-alerto ang may 42,000 Pinoy sa South Korea at nagsimula na ring mag-impake bilang paghaÂhanda sakaling lumala ang tensyon at magsimula ang giyera.