Petisyon vs RH law sinopla ng SC
MANILA, Philippines - Hindi pinagbigyan ng Supreme Court ang petisÂyon ni Riza Hontiveros na baligtarin ng korte ang nauna nitong desisyon na harangin ang implementasyon ng Reproductive Health (RH) Law.
Sa botong 10-4, ibinasura ng SC ang motion for reconsideration ni Hontiveros dahil sa kawalan ng sapat na merito.
Dahil dito tuloy pa rin ang ipinaiiral na status quo ante order ng korte.
Nakatakda naman sa Hunyo 18 ang oral argument para sa usapin sa Hunyo 18, 2013.
Una ng pinigilan ng SC ang implementasyon ng kontrobersyal na RH Law.
Sa botong 10-5 nagkasundo ang mga mahisÂtrado na magpalabas ng status quo ante order.
Nag-isyu ng apat na buwang status quo ante order ang mga mahistrado.
- Latest