MANILA, Philippines - Kasado na ang gagawing paglilikas ng PhiÂlippine Air Force (PAF) para sa tinatayang 42,000 OFWs na posibleng maipit sakaling sumiklab ang kaguluhan sa pagitan ng South at North Korea kasunod ng idineklarang state of war ng Nokor laban sa Sokor.
Nabatid na pumosisÂyon na ang USS FitzgeÂrald missile destroyer ship ng Estados Unidos sa karagatan ng South Korea upang harangin ang posibleng missile strike ng North Korea.
Nabatid kay PAF spokesman Col. Miguel Ernesto Okola na nakahanda na ang dalawang C-130 transport plane ng PAF na makakayang magsakay ng 80 hanggang 100 katao bawat isa.
Hinihintay na lamang umano ng liderato ng PAF ang go signal ng pamahalaan para mailikas ang mga Pilipinong manggagawa doon.
Ang hakbang ay alinsunod sa utos ni PAF Chief Lt. Gen. Lauro CaÂtalino dela Cruz na isapinal ang contingency plan tulad ng air route, ground handling at ilan pang support system.
Ayon naman kay Foreign Affairs spokesman Raul Hernandez, may nakikita nang lugar ang Embahada ng Pilipinas sa Seoul na maaaring gamiÂting exit at entry points ng mga ililikas na Pinoy.
Sinabi ni Hernandez na maaaring gamiting evacuation sites ang lugar sa Gimhae at Daegu.
Ang Gimpo International Airport at Incheon sa Busan ang tinitingnan ng Embahada na maaaring gamiting exit points para sa mga lilikas lulan ng eroplano.
Sa kabila ng tensyon ay nananatili pa ring normal ang sitwasyon sa Seoul at tuloy ang trabaho.
Sa kabila naman ng banta ay fully booked pa rin ang flights papasok at palabas ng NAIA.
“The issue is nothing lahat ng tao duon ay nag e-enjoy na parang walang nangyayari at hindi sila naniniwala na itutuloy ng Nokor ang kanilang banta,†pahayag ng mga Pinoy na umuwi sa bansa mula S. Korea.
Kung pupunta anya sa mga mall sa Seoul ay parang pamilyar na sa mga tao roon ang ganuong threat ng Nokor.