Oil tanker binusisi ng BoC sa buwis
MANILA, Philippines - Upang tiyakin kung nasusunod ang tamang proÂseso sa pagkakarga ng laÂngis at tamang pagbabayad ng buwis sa pamahalaan ay personal na ininspeksiyon ni Bureau of Customs (BoC) Commissioner Rozzano “Ruffy†Biazon ang isang oil tanker na nakadaong sa Mariveles, Bataan.
Nitong Sabado ay nagtungo ang mga taga BOC sa pamumuno ni Biazon sa Barangay Lucanin, MariÂveles upang alamin ang aktuwal na pagkakarga ng 50,000 metrikong toneladang langis sa isang oil tanker na nakadaong dito.
Layunin nang pagtungo ni Biazon sa naturang lugar na inspeksiyunin kung tama ba ang proseso nang pagkakarga ng langis at tiyakin din kung tama ang pagbababayad ng importer o consignee nito ng buwis sa pamahalaan.
Dumadaan sa masuÂsing inspection ng mga tauhan ni Biazon ang mga dokumento ng mga barkong pumapasok sa karagatan ng Pilipinas na may kargang langis upang tiyakin na legal ang pagpasok nito.
Sinabi pa ni Biazon na mahigpit nilang mino-moÂnitor sa bansa ang oil importations upang matakot ang mga oil smuggler na magtatangkang magsagawa ng illegal na pag-import nito.
- Latest