MANILA, Philippines - Naniniwala si United Nationalist Alliance (UNA) senatorial bet San Juan City Rep. JV Ejercito na “wake-up†call sa gobyerno ang pagkamatay ng UP Manila freshman na si Kristel Tejada na gumawa ng isang komprehensibong programa na magbibigay ng financial assistance sa mga mahihirap na pamilya sa buong bansa.
Ayon kay Ejercito Estrada, ang kaso ni Kristel na ang ama ay isa lamang part time taxi driver na kumikita lamang ng P300 kada pasada nito ay isa lamang halimbawa ng kawalang epektibo ng Socialized Tuition and Financial Assistance Program (STFAP) ng UP na matulungan ang mga mahihirap at karapatdapat na estudyante ng naturang paaralan.
“It is high time for STFAP to be abolished,†wika pa ng UNA bet.
Iginiit din ni Ejercito Estrada sa kasalukuyang gobyerno na itaas sa P45 bilyon ang budget sa mga State Universities and Colleges (SUCs) sa susunod na taon.
Matatandaang si Tejada ay nagpakamatay noong March 15 sa pamamagitan ng pag-inom ng silver cleaner matapos ma-depressed nang hindi payagan ng UP administration na makapag final exam dahil sa kawalan ng perang pambayad na P10,000 baÂlance sa matrikula ngayong semester.
Sa kabila ng apela ng magulang niya sa mga opisyal ng UP Manila na mailagay siya sa bracket E na libre ang tuition fee ay tinanggihan ito ng mga opisyal ng STFAP at nanatili pa rin sa bracket “D†na nangangahulugan lamang na magbabayad ang estudyante ng P7,500 kada semester.