^

Bansa

‘Nangangako pa lang ‘yung iba, ako nagawa ko na’ - Hagedorn

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - “’Yung ibang kandidato nangangako at nagpaplano pa lang. Tayo tapos na ‘dyan at marami pa tayong isusulong na mga batas kapag nahalal tayo sa Senado.”

Ito ang pagmamalaking inihayag ni independent senatorial bet at Puerto Princesa City Mayor Edward Hagedorn na tiwalang makakapasok siya sa “Magic 12” pagdating ng May 13 mid-term elections sa kabila na naungusan siya nang bahagya sa pinakahuling survey na pinalabas ng Pulse Asia ngayong linggo.

Nanindigan ang popular na alkalde na ang naglabasang resulta ng survey ay hindi garantiya na siguradong mananalo ang sinumang kandidato.

Sa pinakahuling survey nitong February 24-28, tinukoy ni Hagedorn na wala pa sa kalahati ng mga botante (42%) ang nagsabi na mayroon na silang napili na kumpletong senate slate (12 kandidato).

Ipinagmalaki din ni Hagedorn na sa mga independent candidates ay tanging siya lamang ang nakadikit sa mga kandidato ng administrasyon at oposisyon, isang palatandaan aniya na ang natitirang 60 porsiyento ng mga botante ay mag-aangat pa sa kanyang kandidatura.

Ipinagmalaki pa nito na sa kanyang 9-taon pa­nunungkulan bilang mayor ng Puerto Princesa naiangat niya ang siyudad sa dating simpleng ‘fishing community’ patungo sa isang ‘world famous tourist destination.’

HAGEDORN

IPINAGMALAKI

NANINDIGAN

PUERTO PRINCESA

PUERTO PRINCESA CITY MAYOR EDWARD HAGEDORN

PULSE ASIA

SENADO

TAYO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with