^

Bansa

11th Gawad Tanglaw Pilipino Star Ngayon, Newspaper of the Year

Mario D. Basco - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasubukan sa public service ang Pilipino Star NGAYON kaya tinanghal na Newspaper of the Year (Filipino category) sa katatapos na 11th Gawad Tanglaw na ginanap sa Bartolome delas Casas sa Colegio de San Juan de Letran Calamba noong Marso 7, 2013.

Sa ngalan ng CEO ng Pilipino Star NGAYON na si Miguel Belmonte, tinanggap kahapon ng board of directors ng pahayagan sa pangunguna ni Al Pedroche, editor-in-chief, ang prestihiyosong award mula kina Rev. Fr. Honorato C. Castigador, O.P., rektor at tagapa­ngulo ng Colegio de San Juan de Letran; Dr. Romeo Flaviano I. Lirio, Phd, co-chairt, Gawad Tanglaw at Prof. Doris F. Bayugo, dekana ng School of Education, Arts, & Sciences.

Ang award ay kinabibilangan ng tropeo, medal­yon at citation.

Kabilang rin sa mga editors na dumalo sa sere­monya sina Rowena del Prado, Bansa; Jo Lising-Abelgas, Metro; Mario Basco, Probinsia at Jo Cagande-Reducto, Libangan.

Binigyan diin ni Dr. Lirio na apat na national tabloid newspaper ang pinagpilian sa kategor­yang sining ng pagsusulat sa media kung saan ang Pilipino Star NGAYON ang napili dahil sa husay ng mga editor sa pagpili ng mga salitang ginagamit at news evaluation ng mga balitang binibigyang diin sa pahayagan.

Nagpasalamat naman ang buong staff ng Pilipino Star Ngayon sa pamunuan ng Gawad Tanglaw sa pagbibigay ng puwang sa sining ng pagsusulat sa media para mapili ang pinaka da best newspaper ng taon.

Nagpaabot din ng pasasalamat si Dr. Lirio sa Pilipino Star Ngayon dahil sa katiyagaan ng mga editor na personal na tanggapin ang para­ngal kahit abala sa kani-kanilang trabaho.

 

AL PEDROCHE

COLEGIO

DORIS F

DR. LIRIO

DR. ROMEO FLAVIANO I

GAWAD TANGLAW

PILIPINO STAR

PILIPINO STAR NGAYON

SAN JUAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with