^

Bansa

Zubiri pekeng senador - Koko

Rudy Andal, Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Binansagan ni Team PNoy senatorial candidate Aquilino “Koko” Pimentel III ang kandidato ng oposisyon na si Juan Miguel Zubiri na isang pekeng senador na hindi dapat pamarisan o ilagay sa Senado.

Ayon kay Pimentel, miyembro ng koalisyon ng administrasyon, walang karapatan si Zubiri sa tagu­ring senator dahil nagawa niyang makaupo sa Senado sa pamamagitan ng pandaraya.

“Sinasalamin ni Zubiri ang dagdag-bawas na isang sakit sa lipunan sa tuwing panahon ng halalan. Ang pagkakaroon ng isang katulad niya sa politika ang isang dahilan kung bakit nawawala ang tiwala ng ating mga kababayan sa eleksiyon at sa kredibilidad na maisulong ang isang malinis na halalan sa bansa,” pahayag ni Pimentel.

Hiniling din ni Pimentel kay Zubiri na tigilan ang pagpapahayag ng kanyang mga nagawa bilang isang mambabatas dahil isa rin itong pamamaraan ng panlilinlang sa sambayanan.

Iginiit ni Pimentel na nailuklok si Zubiri ng Commission on Elections dahil sa mga botong likha ng malawakang dayaan sa Mindanao na siyang nagpadagdag sa kanyang boto para makuha ang ika-12 puwesto noong 2007 senatorial elections.

vuukle comment

AYON

BINANSAGAN

HINILING

IGINIIT

ISANG

JUAN MIGUEL ZUBIRI

MINDANAO

SENADO

ZUBIRI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with