^

Bansa

Rubout hindi shootout sa Atimonan Multiple murder vs Marantan, 34 pa

Rudy Andal, Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinakakasuhan ng multiple murder ni Pa­ngulong Aquino sa Department of Justice (DOJ) ang namuno sa Atimonan incident kung saan ay 13 katao ang nasawi batay sa isinagawang pag-aaral ng Malacañang sa Atimonan report.

Pinasasampahan ng kaso ng Pangulo sa DOJ si Supt. Hansel Marantan gayundin ang superior nito na si Chief Supt. James Andres Melad na director ng Calabarzon at 33 pang mga pulis at sundalo na kasama sa operasyon.

Bukod sa criminal charges ay sasampahan pa din ang mga sangkot ng administrative complaint.

Si Marantan ang namuno sa pagharang sa convoy noong Enero 6 kung saan ay 13 katao ang napatay kabilang ang kaanak ni Agriculture Sec. Proceso Alcala.

Batay sa 64-pages na NBI report na isinumite sa Pangulo, lahat ng mga ebidensiya at testimonya ng mga testigo ay tumuturo na walang palitan ng putok o shootout na nangyari tulad ng claim ni Marantan kundi ang layunin lamang ng operasyon ay ang pamamaslang sa hinihinalang jueteng operator na si Vic Siman at mga kasamahan.

Sinabi naman ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, hindi itinaon ang paglalabas ng Atimonan report bilang ‘diversionary tactics’ sa nangyaya­ring gulo sa Sabah.

AGRICULTURE SEC

ATIMONAN

CHIEF SUPT

DEPARTMENT OF JUSTICE

DEPUTY PRESIDENTIAL SPOKESPERSON ABIGAIL VALTE

HANSEL MARANTAN

JAMES ANDRES MELAD

PANGULO

PROCESO ALCALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with