P10-M Taiwan rice nasabat
MANILA, Philippines - Nasabat ng mga tauhan ni Bureau of Customs (BoC) Commissioner Ruffy Biazon ang hinihinalang mga smuggled Taiwan rice na nagkakahalaga ng P10 million sa Port Area of Cebu.
Kahapon ay nagtungo si Biazon sa lalawigan ng Cebu upang magsagawa ng inspection sa mga nasabat na smuggled rice. Kasama ni Biazon si BoC Port of Cebu District Collector Edward dela Cuesta para suriin ang naturang mga kontrabando.
Base sa report, ang nasabat na mga smuggled rice, na nagkakahalaga ng P10 million ay nagmula sa bansang Taiwan at tinangkang ipuslit ito sa Pilipinas.
Ang nabanggit na mga smuggled Taiwan rice ay nasamsam mula sa 20 pirasong 20-footer container van at nalaman na ang consignee nito ay magkaibang trading company. Muling nagbabala ang BoC chief na hindi niya pahihintulutan at palulusutin sa kanyang administrasyon ang mga smuggler na sumasabotahe sa ekonomiya ng bansa.
- Latest