^

Bansa

3 BIR official bagsak sa lifestyle check

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bagsak sa lifestyle check ang tatlong official ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na ngayon ay sinampahan na ng kaso sa Office of the Ombudsman.

Kabilang sa mga kinasuhan ng kriminal at administratibo ay sina Chief Revenue Officer Ricarco Batongbakal Espiritu ng Revenue District Office (RDO) No. 50-South Makati; Regional Director Alert Benedicto Alocilja ng Revenue Region No. 14, Tacloban City at si  Assistant Revenue District Officer Fritz Sarad Buendia ng RDO No. 24-Valenzuela City.

Nabatid na ang kaso laban kay Espiritu ay bunsod ng hindi tamang pagdedeklara sa SALNs nilang mag-asawa at pagkakaroon ng mga  ari-arian gaya ng agricultural land, residential land at gusali sa Bulacan.

Hindi naman di­nek­lara ni Alocilja sa kanyang 1995 at 1996 SALNs ang iba’t ibang property gaya ng residential lot sa  M. H. del Pilar St. na umano ay donated sa kanya noong 1985,  isa pang  residential lot  na kanyang binili  noong 1986  na hindi rin sinulat sa  1995 at  1998 SALNs, at ang residential house sa  Tacloban City na umano ay binili noong 1987  ay hindi rin inilagay sa  mga SALNs.

Si Buendia  ay naging kawani ng BIR noong   1989 Clerk II na  may taunang suweldo o gross salary  na P17,640.00.

Ayon sa Department of Finance (DOF) sa kabila nang napakababang suweldo ay agad nakabili  ng bahay at lupa si Buendia sa Panga­sinan at mga mamahaling sasakyan gaya ng Nissan Cefiro, Honda CRV at Toyota Corolla, na binayaran niya ng cash.

 

ASSISTANT REVENUE DISTRICT OFFICER FRITZ SARAD BUENDIA

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

CHIEF REVENUE OFFICER RICARCO BATONGBAKAL ESPIRITU

DEPARTMENT OF FINANCE

NISSAN CEFIRO

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

PILAR ST.

REGIONAL DIRECTOR ALERT BENEDICTO ALOCILJA

TACLOBAN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with