MANILA, Philippines - Upang mapagaan at mapababa ang bayarin ng mga low earners sa bansa, nagkakaloob ang West Zone concessionaire na Maynilad Water Services, Inc. (Maynilad) ng discount sa singil sa tubig sa mga ito na nasa kanilang mga concession area.
Paliwanag ni Maynilad President and CEO Ricky Vargas, ang mga low earÂners na gumagamit ng hindi hihigit sa 10 cubic meters (cu.m.) na tubig kada buwan ay tatanggap ng 41 percent discount sa basic water rate nito.
Bukod dito, nagkakaloob din ng bawas gastos sa water service application fees ang kumpanya.
Mula sa standard fee rito na P8,160 kasama na ang Guaranty Deposit, ang mga ito ay sisingilin lamang ng P3,000 ng Maynilad upang madaluyan lamang ang mga ito ng sapat na suplay ng malinis na tubig.
Ang mga senior citizens naman na hindi kokonsumo ng hindi hihigit sa 30 cu.m. kada buwan ay may 5 percent discount mula sa Maynilad.
Ang mga government-owned/non-profit senior citizen centers at pabahay na umaabot sa 2,786 accounts ay may 50 percent discount.
Ang mga home based sari-sari stores ay magbabayad lamang ng residential charges sa kanilang unang 10 cu.m. na gamit sa tubig mula sa semi-business rate. Kasama rito ang mga insÂtitusyon na nagkakaloob ng serbisyo publiko tulad ng public preparatory, eleÂmentary, secondary at tertiary schools, public hospitals na inooperate ng mga lgus at mga bilangguan.