Pope Benedict XVI pararangalan ng House
MANILA, Philippines - Isang resolusyon ang inihain sa Kamara na nag lalayong bigyang paraÂngal at pagkilala ang nagretirong si Pope Benedict XVI.
Sa resolution 3038 na inihain ni Bacolod City Rep. Anthony Golez, dapat kilalanin at pasaÂlamatan ng Kamara ang Santo Papa na nagpakita sa buong mundo na ang Pilipinas ay isang respetadong bansa ng mga Kristiyano.
Ito ay dahil sa itinanghal din ang ikalawang santong Pilipino na si Saint Pedro Calungsod sa termino ni Pope Benedict 16th na isang malaÂking karangalan para sa Pilipinas.
Ayon pa sa mambabatas, ang nasabing reÂsolusyon ay isa rin hakbang ng Kamara upang makapag-reach out sa simbahang katoliko maÂtapos ang kontrobersyal na pagÂsasabatas sa Reproductive Health law.
Iniwan ng Santo Papa ang kanyang pwesto kahapon matapos magsilÂbi bilang pinakamataas na lider ng simbahang katoÂliko sa loob ng walong taon. Umaasa si Golez na maipapasa ang kanyang resolusyon sa pagÂÂbabalik ng sesyon ng konÂÂÂgreso sa Hunyo.
- Latest