MANILA, Philippines - Idineklara ni Ombudsman Conchita Carpio Morales na guilty si Cebu Governor Gwendolyn Garcia at lima pang provincial officials ng Cebu sa kasong grave misconduct kaugnay ng umanoy naganap na iregularidad sa pagbili ng lokal na pamahalaan sa Balili Estate noong taong 2008.
Bukod kay Garcia, guilty din sa naturang kaso sina Juan Bolo, boardmember ng Sangguniang Panlalawigan ng Cebu; Anthony Sususco, Roy Salubre, at Eulogio Pelayre, pawang miyembro ng Provincial Appraisal Committee at Emme Gingoyon, Provincial Budget Officer ng Cebu.
Sa 26 pahinang Joint Decision na nilagdaan ni Morales na may administrative liability si Garcia at Bolo sa kanilang reelection sa nagdaang 2010 National and Local Elections habang sina Sususco, Salubre, Pelayre at Gingoyon ay paparusahan ng pagsibak sa serbisyo bilang accessory penalties sa mga ito.
Ang kaso ay nag-ugat sa tatlong hiwalay na reklamo sa tanggapan ng Ombudsman ng Visayas’ Public Assistance and Corruption Prevention Office (PACPO-Visayas), Manuel Manuel at Crisologo Saavedra.
Ang bayaran sa biniling lupa ay naisagawa umano sa pamamagitan ng isang Memorandum of Agreement (MOA) na pinasok ni Gov. Garcia at ang lupa ay matatagpuan sa Tina-an, Naga, Cebu na may halagang P400 kada square meters.
Sinasabing ang 50 percent ng total payment sa naturang estate ay kinuha ng provincial government sa P50-milyon budget na laan sana sa implementasÂyon ng Site Development and Housing Program sa ilalim ng Social Services.
Nakasaad sa desisyon na ang paggamit ng pondo para sa ibang bagay ay illegal kaya hinatulang guilty ang mga akusado.