^

Bansa

10 Diocese sa bansa, walang Obispo

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sampung diocese sa bansa ang walang Obispo sa ngayon. 

Ito ang nabatid mula kay dating Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) president at retired Lingayen-Dagupan Archbishop Oscar Cruz.

Aniya,  kabilang sa mga bakanteng diocese ay ang Imus, Gumaca, Dumaguete, Romblon, San Carlos, Zamboanga, Bontoc, Lagawe, Infanta at Caloocan.

Sinabi ni Cruz, ito na ang pinakamaraming bakanteng diocese na naitala sa bansa.

Naniniwala si Cruz na nahihirapan si Pope Benedict XVI na makapagtalaga ng bagong Obispo sa bansa dahil may mga kuwalipikasyon itong hinahanap.

Hindi naman aniya nababahala hinggil dito si Cruz dahil tiyak naman aniyang magtatalaga rin ng bagong Obispo ang Vatican sa mga susunod na araw.

Nabatid na sa kasalukuyan ay mayroon nang 30 obispo sa bansa ang nagretiro na, kabilang na dito si Cruz.

Pinakahuling nadagdag sa naturang listahan ay sina Caloocan Bishop Deogracias Iniguez, 72, at San Pablo Bishop Leo Drona, 71, na naghain ng resignasyon ng mas maaga sa itinatakdang retirement age na 75-anyos, at pinagbigyan naman ng Santo Papa.

 

ANIYA

BONTOC

CALOOCAN

CALOOCAN BISHOP DEOGRACIAS INIGUEZ

CATHOLIC BISHOP CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

CRUZ

LINGAYEN-DAGUPAN ARCHBISHOP OSCAR CRUZ

POPE BENEDICT

SAN CARLOS

SANTO PAPA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with